ANG LIMANG HALIGI NG ISLAM
bahagi rin ng pananampalataya sa allah ang maniwala sa lahat ng tungkulin at obligasyong ibinigay niya sa kanyang mga lingkod gaya ng limang haligi ng islam na isinasagawa nang hayagan. ang mga ito ay ang sumusunod:
1. SHAHADA (PAGSAKSI)
walang diyos na dapat sambahin maliban sa allah. ang pagsaksing ito ay tinatawag na shahada. ito ay isang payak na pangungusap na ipinahahayag ng lahat ng nananampalataya. sa wikang arabik, ang unang bahagi ay "la ilaha illallah" walang tunay na diyos na dapat sambahin maliban sa allah.
ang "ilaha" ay maaaring iugnay sa anuman na pilit na inihahambing o ipinapalit sa allah kagaya ng yaman, kakayahan, at iba pa. ang susunod ay ang "illallah"- maliban sa allah, ang pinanggalingan ng lahat ng nilikha. ang pangalawang bahagi ng shahada ay ang "muhammadar rasulullah"- si muhammad ay sugo ng allah. isang mensahe ng patnubay na dumating sa isang tao na katulad natin.
2. SALAAH (PAGDARASAL)
ang "salaah" ay ang tawag sa mga itinakdang pagdarasal na isinasagawa ng limang beses maghapon. ito ay mga tuwirang ugnayan ng sumasamba sa kanyang panginoon. walang natatanging hanay na mga awtoridad sa islam kagaya ng papa, obispo, pari, atbp. kaya naman ang mga nagdarasal ay pinangungunahan ng sinumang maalam sa banal na qur'an na pinili ng kongregasyon. ang limang itinakdang pagdarasal ay nagtataglay ng mga kabanata o talata sa banal na qur'an at ito ay binabanggit sa wikang arabik - ang wikang ginamit sa pagkapahayag nito gayunpaman, ang mga personal na pagsusumamo ay maaaring banggitin sa sariling wika. ang saalah ay isinasagawa tuwing madaling - araw, tanghali, hapon, takip - silim at gabi. dito makikita ang daloy ng buhay ng isang muslim sa buong maghapon. bagama't higit na itinatagubilin ang pagdarasal ng sama sama o kongregasyon sa mosque, ang isang muslim ay maaaring magdasal halos sa lahat ng (malilinis na) pook kagaya ng bukid, tanggapan, pagawaan, unibersidad atbp.
3. ZAKAT (KAWANGGAWA)
ang isa sa mahahalagang alituntunin ng islam ay ang aral na ang lahat ng bagay ay pagmamay - ari ng allah. kaya naman, ang yaman na tangan ng tao ay itinuturing na tiwala lamang na ibinigay sa kanya. ang katagang zakat ay nangangahulugan ng kapwa pagpapakadalisay at pagpapaunlad. ang ating ari - arian ay nililinis sa pamamagitan ng paglalaan ng bahagi nito para sa mga dukha. kagaya ng pagtagpas o paggupit sa halaman, ito ay nagbibigay ng bagong usbong na sanga. ang bawa't muslim ay siya mismo ang tumutuos o kumakalkula ng sariling zukat. ito ay 2.5% sa natitirang yaman na inilalaan ng taunan upang ibigay sa mga mahihirap.
ang isang makadiyos na nais magkamit ng maraming gantimpala, ay maaaring magbigay ng higit pa (ito ay tinatawag na ngayong sadaqa). hangga't maaari, dapat ibigay ito ng lihim. kahima't maaaring isalin ang "sadaqa" bilang kusang - loob na kawanggawa, ito ay mayroong higit na malawak na kahulugan. ang propeta (sumakanya ang kapayapaan) ay nagsabi:
"ang masiglang pagsalubong kapatid ay isang sadaqa."
"ang kawanggawa ay tungkulin ng bawa't isa." siya ay tinanong: 'paano na kung ang isang tao ay walang - wala? ang propeta (sumakanya ang kapayapaan) ay nagsabi: 'siya ay dapat maghanap-buhay sa sariling kamay ukol sa kanyang kapakanan at magbigay ng anuman sa kawanggawa mula sa kanyang kinita.' siya ay tinanong: 'paano kung hindi na siya makapaghanap-buhay? ang propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay nagsabi: siya ay dapat tumulong sa mga mahihirap at mga nangangailangan. 'siya ay patuloy na tinanong: paano kung hindi niya kayang gawin ito?
siya ay sumagot: 'siya ay dapat maghikayat sa kapwa na gumawa ng mabuti.' siya ay tinanong: 'paano kung hindi parin niya kayang gawin ito? ang propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay sumagot: 'dapat siyang mag-ingat na huwag gumawa ng masama, ito ay isa ring kawanggawa.
4.AS-SIYAM (PAG-AAYUNO)
sa bawat taon tuwing buwan ng ramadhan, ang lahat ng muslim ay nag-aayuno sa pamamagitan ng pag-iwas at pagtigil sa pagkain, pag-inom at pakikipagtalik sa asawa. ang mga maysakit, matatanda, naglalakbay, at nagdadalantao o babaeng nagpapasuso ng sanggol ay pinahihintulutang tumigil sa pag-aayuno at isagawa na lamang ito pagkatapos ang ramadhananumang araw sa buong taon bago sumapit ang susunod na ramadhan. kung hindi nila maisagawa ito dulot ng katandaan o maselang karamdaman, nararapat na magpakain ng isang dukha sa bawat araw na hindi makapag-ayuno. ang mga bata ay mag-uumpisang mag-ayuno at magdasal bilang tungkulin kapag umabot na sila sa pagbibinata at pagdadalaga. bagama't maaari silang mag-umpisa nang maaga pa bilang pagsasanay.
kahima't ang pag-aayuno ay makabubuti sa kalusugan, higit na binibigyang pansin na ito ay isang paraan ng pagpapakadalisay sa sarili. ang pag-iwas sa mga makamundong kaginhawaan, kahit sa maikling panahon lamang, ay nagbibigay sa isang nag-aayuno ng simpatiya sa mga mahihirap na nagugutom. ito rin ay nagpapalago ng buhay ispirituwal.
5.HAJJ (PAGLALAKBAY SA MAKKAH)
ang hajj ay ginagampanan minsan sa tanang buhay ng isang muslim. ito ay nagiging tungkulin kapag ang isang muslim ay nasa tamang gulang at kaisipan, may magandang kalusugan, at may gugugulin sa paglalakbay. sa bawat taon, mga 2 milyong muslim mula sa ibat ibang panig ng daigdig ang nagtutungo sa makkah. ito ay nagbibigay pagkakataon sa ibat ibang lahi na magkita sa isat isa. ang hajj ay nagsimula sa ikalabing-dalawang buwan ng kalendaryong muslim (ang kalendaryong ito ay nakasalalay sa buwan at hindi sa araw. kaya naman, ang hajj at ramadan ay maaaring mangyari sa panahon ng tag-init o taglamig). ang mga naglalakbay aymay natatanging kasuutan. isang payak na kasuutan na nag-aalis sa pagkakaiba ng uri at kultura bilang aral na ang lahat ay pantay-pantay sa paningin ng allah.
ang mga seremonya ng hajj na nababatay sa mga ginawa ni abraham ay kinabibilangan ng pag-ikot sa ka' aba nang pitong ulit, ang paglalakad nang pitong beses sa magkabilang bundok ng safa at marwa kagaya ng ginawa ni hagar nang siya ay naghahanap ng tubig. pagkatapos nito ay ang pagtindig ng mga naglalakbay sa bundok ng arafa at magkaisang manalangin at humingi ng kapatawaran sa allah. ang ganitong mga ritwal ay nagbibigay din ng paggunita sa araw ng paghuhukom.
noong mga nakaraan dantaon, ang pagsagawa ng hajj ay sadyang napakahirap. subalit sa ngayun, ang saudi arabia ay nagbibigay sa milyung-milyong naglalakbay ng masaganang tubig, makabagong sasakyan, at mga modernong pasilidad pangkalusugan. ang pagtatapos ng hajj ay isang pagdiriwang, ito ay tinatawag na Eid Al Adha. ipinagdiriwang ito ng lahat ng sambayanang muslim sa buong daigdig na may pagdarasal, pag-aalay, pagpapakain, at pagbibigay ng mga regalo. ang Eid AL Adha at ang Eid Al Fitr (isang pagdiriwang bilang paggunita sa katapusan ng ramadan) ay dalawang malalaking araw ng pagdiriwang sa kalendaryong muslim.
sa kasalukuyan, ang dalawang pagdiriwang na ito ay kabilang na rin sa mga opisyal na holiday sa pilipinas. ang mga pagdiriwang na ito ay sama-samang isinagawa ng mga muslim sa isang malawak na pook na nasasaksihan ng lahat ng tao at ginagawa nial sa pamamagitan ng pagpupuri, pag-aalaala, pagdarasal at pagdalangin sa nag-iisang tunay na diyos-ang allah.
Comments
Post a Comment