ANG LIMANG HALIGI NG ISLAM
bahagi rin ng pananampalataya sa allah ang maniwala sa lahat ng tungkulin at obligasyong ibinigay niya sa kanyang mga lingkod gaya ng limang haligi ng islam na isinasagawa nang hayagan. ang mga ito ay ang sumusunod: 1. SHAHADA (PAGSAKSI) walang diyos na dapat sambahin maliban sa allah. ang pagsaksing ito ay tinatawag na shahada. ito ay isang payak na pangungusap na ipinahahayag ng lahat ng nananampalataya. sa wikang arabik, ang unang bahagi ay "la ilaha illallah" walang tunay na diyos na dapat sambahin maliban sa allah. ang "ilaha" ay maaaring iugnay sa anuman na pilit na inihahambing o ipinapalit sa allah kagaya ng yaman, kakayahan, at iba pa. ang susunod ay ang "illallah"- maliban sa allah, ang pinanggalingan ng lahat ng nilikha. ang pangalawang bahagi ng shahada ay ang "muhammadar rasulullah"- si muhammad ay sugo ng allah. isang mensahe ng patnubay na dumating sa isang tao na katulad natin. 2. SALAAH (PAGDARASAL) ang "