SINO SI MUHAMMAD ?
si muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay isinilang sa makkah noong taong 571 sa panahon ng mga kristiyanismo ay hindi pa lubusang lumalaganap sa europa. sa dahilang ang kanyang ama ay namatay bago pa siya isinilang at sumunod pa rito ang pagkamatay ng kanyang ina noong siya ay bata pa, siya ay pinalaki ng kanyang tiyuhin (kapatid ng kanyang ama), mula sa iginagalang na tribu ng quraish sa makkah.
sa kanyang paglaki, siya ay nakilala bilang makatotohanan, mapagbigay at matapat. kaya naman siya nakilala at tinawag nilang As-Sadiq, Al-Amin na ang ibig sabihin ay ang makatotohanan, ang mapagkakatiwalaan at bunga nito siya ay lagi nang tinatawag upang mamagitan sa mga hidwaan ng kanyang angkan. ang mga mananalaysay ay ipinakikilala siya bilang isang taong mapayapa at mapagmuni-muni.
si muhammad ay may likas na pagkarelihiyoso at kanyang kinasusuklaman ang mga tiwaling kaugalian ng kanyang sambayanan. nakagawian niyang magmuni-muni at paminsan-minsang pumupunta sa kuweba na hira na malapit sa tuktok ng jabal al nur (bundok al nur) ang "bundok ng liwanag" na malapit sa makkah.
PAANO SIYA NAGING PROPETA AT SUGO NG ALLAH ?
sa edad na apatnapu, habang siya ay nag-iisang nagmuni-muni, si muhammad ay nakatanggap ng unang kapahayagan mula sa allah sa pamamagitan ni anghel gabriel. ang kapahayagang ito na nagpatuloy na ipinahayag sa loob ng dalawampu't tatlong taon ay ang banal na qur'an.
nang kanyang simulan ang pagpapahayag sa mga kataga na kanyang narinig kay anghel gabriel, at kanyang ipangaral ang katotohanan na ipinahayag ng allah sa kanya, siya at ang kanyang mga tagasunod ay nakaranas ng malupit na pagtugis na naging malala hanggang sa utusan sila ng allah na mag-ibang bayan noong taong 622 CE. ang pangyayaring ito ay tinatawag na "hijra" (pangingibang bayan). kanilang linisan ang makkah at nagtungo sa madinah, mga 260 miya sa hilaga ng makkah. dito nagsimula ang kalendaryong muslim.
matapos ang ilang taon, ang propeta (sumakaya nawa ang kapayapaan) kasama ang kanyang mga taga sunod ay bumalik sa makkah. kanyang pinatawad ang kanilang mga kaaway at tuwiran at ganap na itinatag ang islam. bago namatay ang propeta (sumakaya nawa ang kapayapaan) sa gulang na 63, ang malaking bahagi ng arabia ay muslim na. at sa loob ng isang siglo matapos siyang mamatay, lumaganap ang islam hanggang sa espanya sa kanluran at sa tsina sa silangan.
Comments
Post a Comment